|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kababaihan, mahalaga sa lipunan
MAYROONG pitong mga klinika ang Qatar Red Crescent para sa mga manggagawang kalalakihan sa kanilang bansa. Ito ang sinabi ni Qatari Red Crescent Secretary General Sale Ali M. Al-Muhanadi sa press briefing kaninang umaga.
Sa katanungan kung saan maaring magpagamot o komunsulta ang mga kababaihan, maaari silang magtungo sa mga klinikang ito kasama ng kanilang mga pamilya.
Iginagalang ng Qatari society ang kababaihan. Mahalaga para sa kanila ang paksang hinggil sa mga domestic workers.
Ipinaliwanag ni G. Saleh na hindi lamang problema ng bansang pinagmumulan ng mga manggagawa ang pananatili sa ibang bansa sapagkat problema rin nila kung ano ang magiging kalalagyan ng mga manggagawa sa receiving countries tulad ng Qatar.
Layunin ng kanilang pakikilahok sa pagtitipon ang pagsasaayos ng mga sistema at pagpuno sa mga pagkukulang. Samantalang ginagawa ng kani-kanilang pamahalaan ang lahat, higit na magiging maganda ang kalagayan ng mga manggagawa. May mga komite at tanggapan sa kanilang bansa na dadalo sa mga pangangailangan ninoman, dagdag pa ni G. Saleh. Mayroon din silang Human Rights Committee na nagbubukas ng kanilang mga kilinika sa mga taong mangangailangan ng tulong. Anomang reklamo ang kailangang taluhan, mayroong mga nakatakdang tumulong mula sa kanilang lipunan.
Idinagdag pa niya na noong nilikha ng Diyos ang tao, walang anumang pagtatangi sapagkat ang mga ito'y pantay-pantay. Tapos na ang panahon ng pang-aalipin ilang daang taon na ang nakalilipas, dagdag pa ni G. Saleh.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |