Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Humanitarian Diplomacy, kailangan

(GMT+08:00) 2015-05-12 17:22:17       CRI

Senador Grace Poe, nababahala sa pagtaas ng carnapping sa Pilipinas

SINABI ni Senador Grade Poe na nakababahala ang mga ulat sa pagtaas ng bilang ng carnapping sa Pilipinas. Sa kanyang paunang pananalita sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ni Senador Poe na umabot na sa 3,170 mga insidente ng carnapping ang naitala ng Philippine National Police mula Enero hanggang Hunyo ng 2014. Tumaas umano ito ng may 68.5% mula sa 1,881 kaso noong 2013. Umaabot sa dalawang kotse at 15 motorsiklo ang nananakaw sa bawat araw.

Sa pagtaas ng bilang ng mga nabibiling sasakyan, tumaas din ang bilang ng mga nakawan. Tinatangay ang mga sasakyan at sumasailalim ng remodelling at nabibigyan pa ng palsipikadong mga dokumento ng Land Transportation Office bago ito maipagbili.

Nakataya umano ang ari-arian ng mga mamamayan tulad rin ng kaligtasan at seguridad ng mga Filipino. May mga napapaslang na dahil sa carnappiung at maging sa illegal towing na gawa ng ilang mga tow-truck services.

Nais ng senador na mabatid kung may pagkukulang pa sa bvatas kaya't hindi napipigil ang carnapping. Ang pinakahuling batas sa carnapping ay nilagdaan pa noong 1972. Noong mga panahong iyon ay 400 hanggang 420 kaso ng carnapping ang naitatala sa bawat taon.

 


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>