|
||||||||
|
||
请(qǐng)您(nín)再(zài)说(shuō)一(yī)遍(biàn) 请(qǐng)慢(màn)一(yì)点(diǎn)儿(ér)说(shuō)
20150514Aralin53Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Kung hindi ninyo nakuha ang sinabi ng titser, maari ninyong sabihing "Maaari po bang ulitin iyong sinabi ninyo?"
请(qǐng)您(nín)再(zài)说(shuō)一(yí)遍(biàn).
请(qǐng), paki, pakiusap o mangyari.
您(nín), kayo, magalang na porma ng你(nǐ) na nangangahulugan ng ikaw.
再(zài), muli, uli.
说(shuō), magsalita, magsabi.
一(yí), isa; 遍(biàn), salitang panukat; 一(yí)遍(biàn), isang beses.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 请(qǐng)您(nín)再说(zàishuō)一(yí)遍(biàn)。Maaari po bang ulitin iyong sinabi ninyo?
B: 好的(hǎode)。大家(dàjiā)仔细(zǐxì)听(tīng)。Okey, makinig kayong mabuti.
Bukod dito, maaari rin naman ninyong sabihin "Puwede po bang sabihin ninyo ito nang mas dahan-dahan?"
请(qǐng)慢(màn)一(yì)点(diǎn)儿(ér)说(shuō).
请(qǐng), paki, pakiusap o mangyari.
慢(màn), dahan-dahan o nang mabagal.
一(yì)点(diǎn)儿(ér), kaunti lamang.
说(shuō), magsalita.
Narito po ang ikaapat na usapan:
A: 请(qǐng)慢一点(mànyìdiǎn)儿(ér)说(shuō)。Maaari po bang sabihin ninyo ito nang mas dahan-dahan?
B: 对不起(duìbuqǐ),刚才(gāngcái)我(wǒ)说(shuō)得(dé)可能(kěnéng)太(tài)快(kuài)了(le)。Pasensiya na kayo. Mukhang napabilis yata ang pagsasalita ko.
Mga Tip ng Kulturang Tsino
Sa mga pamantasang Tsino, ang laki ng bawat klase ay naaayon sa subject na itinuturo. Ang mga klase sa wikang dayuhan ay kadalasan mayroon lamang isang dosenang estudyante, kaya bawat estudyante ay mayroong sapat na pagkakataon para magpraktis. Pero sa ibang popular na public lectures, ang bilang ng mga estudyante ay maaaring umabot sa daan-daan. Sa nakaraan, ang mga estudyante ay naroon lamang para makinig. Pero sa kasalukuyan, dumarami ang mga estudyanteng nagiging aktibo sa klase. Ang mga estudyante ay maaring maghanda ng mga presentasyon at pagtatanghal sa silid-aralan, base sa kung ano ang kanilang tinatalakay sa klase. Maaari rin silang makilahok sa mga diskusyon. Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, mas madaling natututuhan ng mga estudyante ang kanilang pinag-aaralan, mas napapaunlad nila ang kanilang mga kakayahan sa pag-aanalisa at paghahanap ng solusyon sa problema, nakakapagtamo sila ng higit na mabuting kasanayan sa pag-oorganisa at pagkokoordina ng mga kaganapan at gayundin ng mabuting pakikipagtulungan sa pangkat o team cooperation.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |