|
||||||||
|
||
Resolusyon para sa House Arrest ni dating Pangulong Arroyo, pasado na
NAKAPASA sa House of Representatives Justice Committee ang isang resolusyon na isailalim ang dating pangulo at ngayo'y Pampanga Congressman Gloria Macapagal-Arroyo sa house arrest.
Nagkaroon ng ng botohang 8-1 kaya't nakapasa ang kahilingan ni Arroyo saklaw ng "humanitarian reasons." Dadalhin pa sa plenaryo ang resolusyon upang ipasa.
Noong nakalipas na Abril, hiniling ni Gng. Arroyo sa Sandiganbayan na isailalim na siya sa house arrest sa kanyang tahanan sa Lubao, Pampanga.
Ayon sa media reports, umaasa si Justice Committee chair Niel Tupas na maipapasa sa plenaryo ang resolusyon. Na sa pagamutan sa Veterans Memorial Medical Center ang dating pangulo.
Kinasuhan siya ng non-bailable offense na plunder sa sinasabing maling paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes office.
Dahilan sa karamdaman ng dating pangulo, nanawagan na rin sa Mayor Joseph Estrada kay Pangulong Aquino na pagbigyan na si Gng. Arroyo na maisalalim ng house arrest.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |