Labing-apat katao, pinadarakip, papanagutin sa kasong contempt
NILAGDAAN ni Senate President Franklin M. Drilon ang detention at arrest order laban sa may 14 katao na inereklamo ng contempt ng Blue Ribbon Committee sa patuloy na pagtangging dumalo sa pagsisiyasat sa sinabing anomalya sa iba't ibang proyekto na kinabibilangan ng Makati City Hall Parking Building.
Ani Senate President Drilon, nilagdaan na niya ang arrest and detention order sa pagbabale-wala sa pagpapatawag ng Senado upang lumahok sa imbestigasyon. Nababalam ang ginagawang imbestigasyon dahil sa pagtangging sumipot sa mga nakatakdang pagdinig ng komite sa Senado.
Kabilang sa ipinadarakip sina Aida F. Alcantara, Danilo Villas., Vissia Marie Aldon, Kim Tun S. Chong, Imee S. Chong, Irene S. Chong, Hirene U. Lopez, Kimsfer S. Chong, Erlina S. Chong, Irish S. Chong, Gerardo S. Limlingan, Jr. Antonio L. Tiu, James L. Tiu at Anne Lorraine Buencamino-Tiu. Inatasan ang Senate Sgt. At Arms na ipatupad ang kautusan sa loob ng 24 na oras.
1 2 3 4