|
||||||||
|
||
Human Rights Watch, hiniling na siyasatin si Mayor Duterte
DAPAT siyasatin ng pamahalaan si Davao Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang pagkaka-alam sa sinasabing mga pagpatay sa lungsod sa nakalipas na sampung taon. Ito ang panawagan ng Human Rights Watch ngayon.
Patuloy na nagpapahayag ang punonglungsod na nararapat patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa krimen upang masugpo ang kriminalidad. Mayroon na umanong napaslang na 1,000 katao ang sinasabing "death squads" mula noong 1990.
Naging mayor si Duterte sa Davao mula noong 1988 at sa kanyang talumpati noong ika-15 ng Mayo, sinabi niya na ang kanyang pagsugpo sa krimen ay nakasalalay sa pagpaslang sa mga pinaghihinalaang mga kriminal.
Ayon kay Phelim Kine, deputy Asia Director sa Human Rights Watch, nararapat masugpo ng pamahalaan ang mga ganitong kaisipan, tulad ng pagsusulong ng extra-judicial killings.
Matagal na itong dapat siniyasat ng pamahalaan, dagdag pa ni Kine. Umiikot na sa bansa si Duterte sa nakalipas na anim na buwan at ipinagmamalaki ang kanilang pagpaslang sa mga suspect bilang isang epektibong paraan ng pagsugpo sa kriminalidad.
Nadokumento na ng Human Rights Watch ang Davao Death Squad at ang papel ni Duterte ayon sa report noong 2009 na pinamagatang "You Can Die Anytime". Ang United Nations special rapporteur on extrajudicial killings na kinabilangan ng Davao killings to 2009 at nanawagan sa pamahalaan noon na itigil na ang paggamit ng karahasan sa pagsugpo ng krimen.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |