|
||||||||
|
||
这(zhè)儿(er)有(yǒu)外(wài)文(wén)书(shū)刊(kān)报(bào)纸(zhǐ)吗(ma) 点击(diǎnjī)这儿(zhèer)
20150522Aralin54Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Susunod: Mayroon ba kayong mga imported na aklat at diyaryo?
这(zhè)儿(er)有(yǒu)外(wài)文(wén)书(shū)刊(kān)报(bào)纸(zhǐ)吗(ma)?
这(zhè)儿(er), dito.
有(yǒu), magkaroon.
外(wài)文(wén), wikang banyaga.
书(shū)刊(kān), mga aklat at peryodiko.
报(bào)纸(zhǐ), diyaryo.
吗(ma), katagang pananong na nasa hulihan ng pangungusap.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 这儿(zhèer)有(yǒu)外文(wàiwén)书刊(shūkān)报纸(bàozhǐ)吗(ma)?Meron ba kayong mga imported na aklat at diyaryo?
B: 当然(dāngrán)有了(yǒule)。就(jiù)在(zài)二(èr)楼(lóu)阅览室(yuèlǎnshì)。Oo naman. Nasa silid-basahan, sa ikalawang palapag.
Okey, ngayon ay nasa harap tayo ng keyboard at medyo nalilito. Gusto nating maghanap ng digital catalogue. Humingi tayo ng tulong mula sa librarian at sinasabi niya sa atin na: Iklik mo rito.
点(diǎn)击(jī)这(zhè)儿(er).
点(diǎn)击(jī), iklik.
这(zhè)儿(er), dito.
Narito po ang ikaapat na usapan:
A: 怎么(zěnme)进入(jìnrù)目录(mùlù)查询(cháxún)?Paano kung may gusto akong hanaping mga nilalaman?
B: 点击(diǎnjī)这儿(zhèer)。Iklik mo rito.
Mga Tip ng Kulturang Tsino
Sa Tsina, ang mga aklatan ay malawakang nakabaha-bahagi sa bansa. Ang pinakamalaki sa mga ito ay ang Pambansang Aklatan sa Beijing na may pinakamalaking koleksiyon ng literaturang Tsino. Ito rin ang may pinakamalawak na koleksiyon ng imported na mga aklat at mga diyaryo't periyodiko. Ang Pambansang Aklatan ay nagsisilbi sa publiko, 365 araw sa isang taon.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |