|
||||||||
|
||
Pagbabago sa Saligang Batas makasasama sa bansa; Estados Unidos, gumastos ng malaki upang mabuksan ang bansa
PUMASA sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan (House of Representatives) ang Resolution of Both Houses No. 1 na layuning baguhin ang mahahalagang makabayang economic provisions ng Saligang Batas.
Nangunguna ang Estados Unidos sa humihiling na baguhin ang Saligang Batas at patuloy na gumagasta para makinabang ang kanilang transnational firms.
Ayon sa IBON research group, ang Estados Unidos ay bumuo ng Partnership for Grotw, isang US$ 739 milyon o P 33 bilyong programang pinasok ng Pilipinas noong 2011. Kayunin nitong mahubog ang economic policy at institutional environment upang mabuksan at kumita ang mga mangangalakal na Americano sampu ng kanilang mga korporasyon. Ito umano ang pinakabuong pakikiisa ng America sa economic policy-making ngayon at nagsasabing ang Saligang Batas ay kabilang sa mga sagka o hadlang sa mga banyagang mangangalakal.
USAID ang tumustos ng US$ 1 milyon para sa The Arangkada Philippines Project (TAPP), na siyang nangunguna para sa kampanya ng America na mabuksang ang sakligang batas. Kasama sila sa pakiki-usap sa Congreso at nakuha ang suporta ni House Speaker Feliciano Belmonta at naipasa ang kanyang nangungunang resolusyon at ngayo'y kinikilalang isang major achievement.
Ang TAPP ay pinatatakbo ng American Chamber of Commerce at suportado ng Joint Foreign Chambers of Commerce in the Philippines.
America ang nasa likod ng mga pagtatangkang mabago ang saligang batas. Nais nilang magkaroon ng pagkakakitaan sa matagalang economic crisis na kanilang nadaramna. Isinusulong ng America na luwagan ng Pilipinas na luwagan ang lahat ng sagka samantalang nananatili ang mahigpit na economic restrictions ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Bawal ang foreign investment sa aircraft at maritime industry at pag-aari ng mga banyaga sa mga sasakyang-dagat. Idinagdag pa ng IBON na ang mga Americano lamang ang papayagang bumili ng malalawak na mineral deposits o magkaroon ng lease sa langis, natural gas at iba pang mineral depositis. Mga Americano lamang ang mabibigyan ng lisensyang magpayabong, pagpadaloy at gumamit ng kuryente sa Federal-controlled land and water. Bawal din sa America ang foreign owenership at operation ng mass communications media.
Sa ganitong kalakaran makikita ang kahalagahan ng economic sovereignty para sa pagsasanggalang at pagsusulong ng mahahalagang economic at development interests ng bansa. Sa ganitong kalakaran, higit na maghihirap ang Pilipinas, dagdag pa ng IBON.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |