Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit sa 28,000 katao, wala pang matitirhan sa Zamboanga City

(GMT+08:00) 2015-06-04 17:07:38       CRI

Katatagan ng ekonomiya, nakasalalay sa financial system

ISANG bukas na lihim ang nagaganap sa ekonomiya ng Pilipinas. Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. sa kanyang talumpati sa general membership meeting ng American Chamber of Commerce of the Philippines kahapon.

Ayon sa pinuno ng BSP, nakasalalay ang katatagan ng macro-economics sa lakas ng financial system sapagkat hindi magkakaroon ng malakas na macroeconomy kung mahina ang financial system. Ang financial sector ang buhay at lakas ng alinmang ekonomiya sapagkat ito ang naglalaan ng salapi sa mga pinagkakakitaang sektor at nagsusulong ng investments at nagpaparami ng hanapbuhay.

Nakaligtas ang Pilipinas sa global financial crisis dahilan sa maayos at matatag na sektor ng pananalapi. Pitong taon matapos ang global financial crisis, nananatiling matatag ang banking systemn. Mula noong 2012, ang Pilipinas ang nanatiling nag-iisang bansa na nabigyan ng positive rating outlook ng Moody's Investor Ratings Services. Ipinagmalaki ni Governor Tetangco na Pilipinas lamang sa 69 na jurisdictions na sinuri noong 2014.

Idinagdag pa ni Governor Tetangco na hindi madaling makamtam ang nagaganap sa bansa ngayon. Nagsimula ito sa matatag na pangako at makabuluhang structural reforms.

May tatlong nananatiling hamon sa ekonomiya ng Pilipinas tulad ng malawak na monetary policy sa mga mauunlad na bansa, mas mahinang growth prospects para sa Asia at pagtaas-baba ng presyo ng petrolyo.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>