Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit sa 28,000 katao, wala pang matitirhan sa Zamboanga City

(GMT+08:00) 2015-06-04 17:07:38       CRI

Bagong Alyansang Makabayan, nabahala sa pagbabalik ni General Purisima

BAYAN, NABABAHALA. Sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na nakababahala ang pagbabalik sa Campo Crame ni Director General Alam Purisima bukas. Magugunitang magtatapos na ang anim na buwang suspension ng dating PNP chief. Isinangkot din ang nagbitiw na pinuno ng Philippine National Police sa napalpak na operasyon ng PNP Special Action Force noong nakalipas na Enero 25. (Melo M. Acuna Photo)

NAKABABAHALA. Ito ang sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes bilang reaksyon sa balitang babalik na sa serbisyo si Director General Alan Purisima matapos ang anim na buwang suspension dahil sa isang usapin. Nababahala si G. Reyes dahil sa pagkakasangkot o pagkakadawit ni General Purisima sa kontrobersyal na operasyon sa Mamasapano noong Enero 25.

Ayon kay G. Reyes, umalabas na nawawala na ang pananagutan sa mga institusyon. Sa isang statement, sinabi ng Bayan na may rekomendasyon ang PNP Board of Inquiry na alamin ang criminal at administrative liabilities ng mga opisyal na nasangkkot sa operasyon ng PNp Special Action Force na ikinasawi ng 44 na pulis, 17 Moro Islamic Liberation Force guerillas at limang sibilyan.

Inakusahan si Purisima ng pagmamando ng police operations noong Enero 25 na kinilala sa pangalang Oplan Exodus kahit pa suspendido dahil sa sinasabing anomalya sa pagkuha ng isang courier service.

Naunang sinabi ni Pangulong Aquino na kinonsulta niya ang kanyang malapit na kaibigan hinggil sa operasyon upang madakip si Zulkifli bin Hir na kilala sa pangalang Marwan.

Nais mabatid ni G. Reyes kung ano ang gagawin ni Pangulong Aquino sa pagbabalik ng kanyang kaibigang si General Purisima sa serbisyo.

Naunang binanggit ni PNP OIC Leonardo Espina na magbabalik nga sa serbisyo si General Purisima subalit mananatili sa PNP Holding Center sapagkat nagbitiw na siya sa pagiging director general.

Nangangamba si Reyes na baka maimpluwensyahan ni Purisima si Pangulong Aquino sa pagpili ng itatalagang director general sa pagbibitiw ni OIC Espina sa ika-16 ng Hulyo.

Ipinagtatanong ni G. Reyes kung hindi mababago ang sahod ni General Purisima kahit pa wala siyang trabaho.

 


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>