Araw ng Kalayaan, idaraos sa Iloilo sa unang pagkakataon
ARAW NG KALAYAAN, DADALUHAN NG 100 DIPLOMATA. Ito ang sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon sa idinaos na Kapihan sa Senado kaninang umaga. Matapos umanong magdeklara ng kalayaan sa Luzon, sumunod naman ang mga taga-Iloilo. (Senate PRIB Photo)
SINABI ni Senador Franklin M. Drilon na sa unang pagkakataon ay idaraos ang pagdiriwang ng ika-117 Araw ng Kalayaan sa Santa Barbara, Iloilo. Ipinawalinag ng pangulo ng senado na sa Santa Barbara nagdeklara ng kalayaan ang pamahalaan sa Kabisayaan kasunod ng deklarasyon sa Luzon kasama si General Martin Delgado bilang pinuno ng revolutionary government sa Panay noon.
Idaraos ang pagdiriwang sa inayos na kapitolyo ng lalawigan at dadaluhan ng may 250 panauhin na kabibilangan ng amy 100 mga diplomata mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Pinaghandaan ng Iloilo ang okasyon sa nakalipas na ilang buwan.
1 2 3 4 5