![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Bulkang Bulusan, sumabog
BULUSAN VOLCANO SUMABOG. Isang phreatic explosion ang naganap kaninang umaga sa Bulkang Bulusan. Ayon kay Ed Laguerta, resident volcanologist, mainit na singaw ng tubig ang nagpasabog sa bulkan kanina. Ang pag-ulan ng abo ay madarama sa mga bayan ng Juban at Irosin. Wala namang pangangailangan ng paglilikas ng mga mamamayan. (File Photo ni Melo Acuna)
SUMABOG ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon kaninang pasado alas onse ng umaga.
Ayon kay Eduardo Laguerta ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, isang "steam-driven explosion" ang naganap. Nangangahulugan ito na singaw mula sa mainit na tubig ang dahilan ng pagsabog.
Sa kapal ng ulap, hindi nila nasukat kung gaano kataas ang usok mula sa bibig ng bulkab.
Idinagdag pa ni G. Laguerta na posibleng tamaan ng ash fall o pag-ulan ng abo ang mga bayan ng Juban at Irosin. Walang anumang nakikitang panganib sa mga mamamayan.
Noong ika-pito ng Mayo, itinaas ang alert level sa Bulusan sa Alert Level Number 1 matapos mapunang may mga pagbabago sa bulkan.
Ani Ginoong Laguerta, kukuha sila ng bahagi ng abo upang alamin kung anong pagbabago ang naganap at kung magkakaroon ng mas malakas na pagsabog.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |