Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Decommissioning, unang hakbang tungo sa kapayapaan

(GMT+08:00) 2015-06-16 18:20:44       CRI

Cardinal Tagle, itatalagang pangulo ng Catholic Biblical Federation

CARDINAL TAGLE, ITATALAGANG PANGULO NG CATHILIC BIBLICAL FEDERATION.  Aalis ngayong gabi patungong Roma si Bishop Renato P. Mayugba ng Laoag, Ilocos Norte upang dumalo sa CBF assembly na nagaganap sa bawat ika-anim na taon.  Nahirang si manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na pamunuan ang pederasyon.  (Melo M. Acuna)

MAGKAKAROON ng dagdag na gawain si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle mula sa darating na Huwebes sa kanyang panunugkulan bilang pangulo ng Catholic Biblical Federation.

Ayon kay Laoag Bishop Renato P. Mayugba, vice chairman ng CBCP Episocpal Commission on Biblical Apostolate, magsisimula ang pulong sa ika-18 at magtatapos sa ika-22 ng Hunyo sa Vatican City.

Nagpupulong ang CBF sa bawat ika-anim na taon. Makakasama sa pagpupulong ang mga kinatawan ng iba't ibang bansa sa buong daigdig nalayuning sundin ang payo ni Pope Benedict XVI na magkaroon ng pakikipagniig sa Diyos sa pamamagitan ng Biblia.

Mahalaga para sa Pilipinas ang pagtitipong ito sapagkat nagbago na ang anyo ng bansa sa larangan ng pananampalataya. Ipinaliwanag ni Bishop Mayugba na maraming mga Filipino ang nagmimisyon sa iba't ibang bansa. Noong dekada sisenta, tumatanggap pa ng mga misyonero ang Pilipinas.

Napapanahon na umanong ibigay ang biyayang natamo sa iba't ibang bansa. Mangunguna sa delegasyon ng Pilipinas si San Fernando de Pampanga Auxiliary Bishop Pablo Virgilio David at sasamahan ni Bishop Mayugba. Magkakaroon din ng lima hanggang pitong laykong lalahok sa pagtitipon.

Aalis ang delegasyon ng Pilipinas ngayong gabi.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>