|
||||||||
|
||
Kawal, nasawi, walong iba pa, sugatan sa Basilan
ISANG kawal ang nasawi samantalang walong iba pa ang nasugatan sa pagsabog ng isang bomba sa tabing-daan samantalang dumadaan ang isang convoy ng mga sasakyan sa Tipo-tipo, Basilan kanina.
Ayon kay Lt. Col. Cristobal Paolo Perez, commander ng 18th Infantry Battallion, ang isang KM 450 truck na sinasakyan ng 11 katao ay patungo sa bayan ng sumabog ang isang pipe bomb mga ika-walo ng umaga.
Bumaba ang mga kawal ay nakipagsagupaan sa pito kataong armado. Umatras ang mga armado matapos ang halos 15 sandali ng sagupaan. Hindi gasinong napinsala ang sasakyan. Nasugatan ang mga kawal sanhi ng shrapnel at iba pang lumipad na bagay. Isa ang nasawi samantalang walo ang nasugatan at kinabibilangan ng dalawang nasa malubhang kalagayan sa isang pagamutan.
Nagpadala ng dagdag na mga tauahn si Colonel Rolando Bautista ng Joint Task Group Basilan, upang tugisin ang mga armado. Idinagdag pa niya na kagagawan ng mga bandido ang pananalakay. Nagsanay ang mga ito sa isang teroristang tubong Malaysia na nagngangalang Abu Anas.
Kahalintulad ng pipe bomb na nabawi ang nakuha sa isang pagawaan nito sa Tuburan town proper may dalawang buwan na ang nakalilipas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |