Secretary Coloma nagsabing ang decomissioning ay pangunang hakbang pa lamang
![]( /mmsource/images/2015/06/16/f2ff57f35e5f4e5fb24222e7ea018e9f.jpg)
DECOMISSIONING, UNANG HAKBANG SA KAPAYAPAAN. Mahalaga ang naganap na decommissioning kanina sa Maguindanao. Ito ang sinabi ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. sa isang exclusive interview sa Malacanang matapos ang talumpati ni Pangulong Aquino. (Melo M. Acuna)
SA naganap na decomissioning sa Maguindanao kanina, higit na tumatag ang pagtitiwala ng magkabilang panig, ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front at ganoon din ng mga komunidad na maghahatid sa pagkakatotoo ng mga nilalaman ng kasunduang pangkapayapaan.
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr., ang naganap kanina ay unang hakbang tungo sa normalization process.
May mahahalagang probisyong napapaloob sa Bangsamoro Basic Law na hanggang ngayo'y sinusuri ng mga mambabatas kahit pa mayroong 90 panukalang susog. Humiling ang mga mambabatas ng dagdag na oras upang masuring mabuti ang panukala at umaasa siyang pagbabalik ng mga mambabatas sa huling linggo ng Hulyo ay masisimulang muli ang malayang talakayan.
1 2 3 4 5 6 7