|
||||||||
|
||
Pamilyang Pilipino, nahaharap sa iba't ibang hamon
OVERSEAS FILIPINO WORKERS MAGTATAGAL PA. Sinabi ni Legazpi Bishop Joel Z. Baylon na hanggang walang nakukuhang magandang trabaho sa Pilipinas. patuloy na lalabas ng bansa ang mga manggagawa. Mahirap ang kanilang buhay sa bansa kaya't maghahanap ng trabaho sa labas ng Pilipinas, dagdag pa ng obispo. (Melo M. Acuna)
MARAMI sa mga pamilyang Filipino ang nananatiling mahihirap. May mga nagdarahop at may mga walang kinabukasang tiyak at nababahala sa paraan ng pag-aaruga sa kanilang mga supling.
Sinabi ni Legazpi Bishop Joel Z. Baylon sa isang panayam na nahaharap din ang mga pamilya sampu ng mga kabataan sa makabagong impluwensya ng lipunan at media. Sa daigdig na pinahahalahan ang relativism at secularism, kahit mga magulang ay nahihirapang makipag-usap sa kanilang mga supling. Hirap na rin silang ikintal ang mga mahahalagang aral sapagkat nagbabago ang anyo dala ng teknolohiya.
Kung ang mga magulang ay mananatili sa pagtuturo sa kanilang mga supling tulad ng kinagisnang aral, magkakaroon ng mga pagtutunggali sa loob ng tahanan.
Inamin ni Bishop Baylon na walang matatag na palatuntunan ang Simbahan para sa mga pamilya sapagkat karamihan ay umaasa na lamang sa kanilang mga sermon sa bawat misa. Ang kailangan ay ang pagkakaroon ng regular formation tulad ng ginagawa ng mga samahang kinabibilangan ng Marriage Encounter at iba pang samahang nakatutok sa pamilya.
Sa pagkakaroon ng maraming pamilyang nauulila dahilan sa overseas employment, sinabi ni Bishop Baylon na sa buong akalang panandalian lamang pangingibang-bansa ay lumabas na mahalagang suhay na sa ekonomiya ng bansa.
Magtatagal ang pangingibang-bansa ng mga ama o ina samantalang walang nakakambtang trabaho sa Pilipinas. Abala umano sila sa Diocese of Legazpi sa kanilang Family and Life Ministry upang magabayan ang mga kabataan at tamang paghaawak ng salaping padala ng mga magulang. Hirapan din umano ang ibang mga kamag-anak sa pag-aalaga sa kanilang mga pamangkin o apo.
Magtatagal pa ang overseas employment hanggang hindi nagkakaroon ng pagbabago sa kalakaran ng kayamanan na pinakikinabangan ng iilan, ng mula 3 hanggang 5% ng mga mamamayan. Hindi sapat ang ginagawang palatuntunan ng mga kumpanya sa pamamagitan ng kanilang corporate social responsibility.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |