|
||||||||
|
||
Pagpapatibay ng mga paaralan sa fault areas, gagawin
WALONG paaralang pribado at anim na paaralang nasa ilalim ng pangangalaga ng Department of Education ang magkakaroon ng retrofitting upang makatugon sa anumang pagyanig ng lupa mula sa West at East Valley Fault Zones.
PAGPAPATIBAY NG MGA PAARALAN, GAGAWIN. Tiniyak ni Education Secretary Bro. Arman Luistro, FSC (gitna) na gagawin ang pagpapatibay o retrofitting ng mga gusali sa mga fault zones at buffer zones. Dumalo rin si briefing si Engr. Carlos Villaraza, isa sa mga iginagalang na structural engineers sa bansa. Nasa kaliwa si Ishmael Narag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. (Melo M. Acuna)
Ito ang lumabas sa briefing na pinamunuan ni Education Secretary Bro. Armin A. Luistro, FSC at Engr. Carlos Villaraza at G. Ishmael Narag ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology sa Pasig City kaninang umaga.
Ipinaliwanag ni Secretary Luistro na kailangang gawin ang nararapat gawin at makipagtulungan sa mga pamunuan ng paaralan at pamahalaang lokal. Pinayuhan din niya ang school officials na huwag pilitang gamitin ang mga gusaling daraan ng faultlines o nasa tinaguriang buffer zones. Kailangang magkaroon ng tulungan sa pagitan ng school officials at mga dalubhasang enhinyero.
Magkakaroon ng mas malaking pulong sa pamamagitan ng Metro Manila Development Authority para sa mga pribadong paaralan na angkop sa Disaster Consciousness Month sa buwan ng Hulyo.
Sa panig ni Engr. Villaraza, ipinaliwanag niyang kung ang lahat ng mga gusaling itinayo ay ayon sa kautusan at regulasyon, walang dapat ipangamba. Kailangan ang ibayong pagsusuri sa tulong ng PHIVOLCS.
Binigyang pansin ni Secretary Luistro na kung may mga gusaling nasa fault line, mas makabubuting huwag nang gamitin ang bahaging ito. Kailangan ang retrofitting upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, mga guro at iba pang naglilingkod sa komunidad.
Sa halaga ng retrofitting, sinabi ni Engr. Villaraza na aabot lamang sa 10% ng buong halaga ng pagpapatayo ng gusali kaya't hindi kabigatan sa mga may gusali.
Dumalo ang mga principal ng Ateneo Grade School, Filinvest II Ideal Montessori Center sa Quezon City Army's Angels Integrated School, Sto. Nino Catholic School sa Taguig City, Our Lady of the Abandoned School msa Muntinlupa, Affordable Private Education Center, St. Therese of the Infant Jesus, Muntinlupa Institute of Technology, Macabud National High School., Tagumpay Elementary School sa Rodriguez, Rizal, Tagumpay National High School, Mascap Elementary School at Mascap National High School sa Rodriguez, Rizal at Karahumi Elementary School na nasa Rodriguez, Rizal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |