|
||||||||
|
||
Kakulangan ng pagpaparusa sa nagkasala, napuna ng Amerika
KAHIT pa tuloy ang pagsisiyasat ang paglilitis sa mga pag-abuso sa karapatang pangtao, nakababahala pa rin ang kakulangan ng pagpaparusa o pagpapanagot sa mga nagkasala.
Ngayong linggong ito, inilabas ni United States Secretary of State John Kerry ang 2014 Country Reports on Human Rights Practices na kilala sa pangalang "Human Rights Report."
Ang Secretary of State ay inatasan ng kanilang kongreso na maglabas ng buo at malawakang ulat hinggil sa kalagayan ng mga pandaigdigang pamantayan sa karapatang pangtao.
Napapaloob sa Human Rights Report ang katayuan ng kinikilalang individual, civil, political at worker rights ayon sa Universal Declaration of Human Rights sa mga bansa sa buong daigdig.
Patuloy umanong tumutulong ang Estados Unidos sa Pilipinas sa pagtugon sa mga hamon ng karapatang pangtao tulad ng judicial efficiency at pagbabawas ng mga usapin sa hukuman, pagsasama ng kababihan sa peace process at iba pa.
Sinabi ni US Ambassador Philip Goldberg na ang extrajudicial killings ang nananatiling pinakamalaking balakid sa Pilipinas. Kailangan umano ang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan upang matugunan ito at higit na mas maraming nararapat gawin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |