Mga eroplano ng Pilipinas, makakalipad na sa Europa
PUMASA na sa pamantayan ng European Commission ang mga eroplano ng Pilipinas kaya't makapaglalakbay na sa Europa tulad ng Philippine Air Lines at Cebu Pacific.
Ayon kay Violeta Bulc, European Union commssioner for transport, ang mga eroplanong mula sa Pilipinas ay inalis na sa European Union Air Safety List sapagkat bukas ang Civil Aviation Authority ng Pilipinas na madagdagang ang oversight functions at pagsunod ng mga kumpanya sa kanilang safety at operations standards.
Si CAAP Director General William Hotchkiss ang nagbalita ng pag-aalis ng ban. Ang mga ito ay ang PAL Express, ang dating Air Philippines Corp., Cebgo (dating Tiger Airways Philippines at Southeast Asian Airlines), Air Asia, Inc. AirAsiaZestl, Island Aviation, Inc. Magnum Air, Inc. (Skyjet) at South East Asian Airlines International, Inc.
1 2 3 4 5