|
||||||||
|
||
Pagpaslang sa cameraman ng CNN Philippines, kinondena
KINONDENA ng Malacanang ang pagpaslang sa assistant cameraman na kiilala sa pangalang Jonathan Oldan ng CNN Philippines. Ito ang sinabi ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. sa isang pahayag.
Ayon kay Secretary Coloma, inutusan na ang Philippine National Police na dakpin ang sinumang may kagagawan ng pagpaslang upang mapanagot sa kanilang krimeng ginawa.
Kasunod ito ng pahayag ng CNN Philippines na humihiling ng katarungan para sa napaslang na kabaro.
Binaril si Oldan, 29 na taong gulang samantalang patungo sa kanyang trabaho mula sa Imus, Cavite kahapon ng umaga. Ilang ulit na binaril sa ulo ang biktima.
Ayon naman kay Justice Secretary Leila de Lima, inaalam na ng National Bureau of Investigation ang detalyes ng pagpaslang. Isang Special Investigation Team ang mabubuo sa oras na mabatid na may kinalaman sa trabaho ang pagpaslang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |