|
||||||||
|
||
Queen Maxima ng Netherlands, dadalaw sa Pilipinas
QUEEN MAXIMA NG NETHERLANDS DADALAW SA PILIPINAS. Bilang Special Advocate for Inclusive Finance for Development ng United Nations Secretary General Ban Ki-Moon, dadalaw si Queen Maxima ng Netherlands sa Lunes hanging Miyerkoles upang magsalita sa iba't ibang sektor sa kahalagahan ng inclusive finance. (United Nations File Photo)
NAKATAKDANG dumalaw sa Pilipinas mula sa Lunes, ika-29 ng Hunyo hanggang Miyerkoles, unang araw ng Hulyo si Queen Maxima sa kanyang gawain bilang Special Advocate for Inclusive Finance for Development ng Secretary General ng United Nations.
Dadalaw siya sa bansa sa paanyaya ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Bangko Sentral. Nakatakda siyang magsalita hinggil sa inclusive finance sa harap ng mga kinatawan ng international organizations at private sector. Sa hapon ay dadalaw siya sa Cavite at magsasalita sa kahalagahan ng mga mangangalakal hinggil sa financial services na magpapaunlad ng kanilang kabuhayan.
Sa unang araw ng Hulyo, magsasalita si Queen Maxima sa paglulunsad ng National Strategy for Financial Inclusion. Sa hapon ay makakasama siya sa isang talakayan tampok ang mga kinatawan ng Bangko Sentral Department of Finance, Social Welfare and Development, Education at Trade and Industry, Makakasama rin ang National Economic and Development Authority, Insurance Commission at Philippine Statistics Authority.
Makakapulong din niya si Secretary Cesar Purisima ng Department of Finance, Senate President Franklin M. Drilon at Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |