|
||||||||
|
||
NANATILING malakas si "Egay" na may international name na LINGA sa paglapit nito sa Hilagang Luzon kaninang katanghalian.
Ayon sa PAGASA, ang Public Storm Signal No. 1 ay nakataas sa Isabela, Cagayan at Calayan at Babuyan Group of Islands.
May lakas pa rin itong 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras. Huling napuna ang bagyo sa layong 310 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes at kumikilos sa bilis na 13 kilometro bawat oras.
Bukas ng umaga, tinataya itong may 260 kilometro sa hilagang silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan, sa Linggo na umaga, may 145 kilometro sa hilagang silangan ng Aparri, Cagayan at sa Lunes ng umaga ay nasa may Basco, Batanes.
Magkakaroon ng bayan hanggang sa mauling panahon sa loob ng 400 kilometrong lawak ng bagyo. Pinayuhan na ang mga magdaragat na huwag munang pumalaot sa silangang bahagi ng Gitna at Katimugang Luzon at maging sa Kabisayaan. Ito rin ang ipinabatid sa mga magdaragat sa hilaga at silangang seaboards ng Mindanao.
Kailangang umiwas ang mga naninirahan sa dalisdis ng mga kabundukan sa Bicol Region at sa mga lalawigan ng Samar sapagkat may posibilidad na gumuho ang lupa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |