Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagyong "Egay" papalapit na sa Hilagang Luzon

(GMT+08:00) 2015-07-03 20:03:06       CRI

Nasawi sa lumubog na bangka, 39 na

TATLONG bangkay pa ang nabawi mula sa isang sinamang-palad na sasakyang pangdagat sa maalong karagatan sa Ormoc City. May 14 pang iba ang nawawala ayon sa Philippine Coast Guard.

May 134 kataong sakay mula sa Motor/Boat Kim Nirvana ang nailigtas ng mga bangkang-pangisda at mga tauhan ng Philippine Coast Guard samantalang may nakalangoy patungo sa baybay-dagat kahapon.

Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, dalawang nakalista sa mga pasahero ang 'di sumakay kaya't bumaba ang bilang ng mga pasahero mula sa 189 at umabot na lamang sa 187.

Nagamit ng coast guard ang isang barge na mayroong crane upang maiayos ang bangka at makita ng mga maninisid ang iba pang mga bangkay. Isa pang crane ang nakapag buhat ng ferry.

Nabali ang katig na kahoy sa laki ng alon kahapon sa paglalayag nito patungo sa Camotes Islands may 44 kilometro ang layo sa Ormoc City. Walang makapagsabi kung bakit ang sasakyang-dagat na kargado ng construction materials at bigas ay tumaob.

May tatlong Americano at isang Canadian na nakaligtas sa sakuna.

Ayon sa media reports, isang nagngangalang Lawrence Drake, 48 taong gulang at isang retiradong bumbero sa Rochester, New York ang gumamit ng mouth-to-mouth resuscitation upang mailigtas ang isang babae sa kapahamakan.

Nailigtas din niya ang buntis na anak ng biktimang tinulungan niya kasama ang isang walong-taong gulang na batang lalaki. May nakita umano siyang pitong bangkay na lumulutang na kinabibilangan ng dalawang bata.

Ang Filipinang maybahay ni Drake na nakilala sa pangalang Mary Jane ay nagsabing mabagal na naglalakbay ang kanilang sinasakyan ng bigla na lamang itong tumaob dahil sa laki ng alon.

Nahirapan ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Army na maghanap ng mga biktima sapagkat may putik ang tubig-dagat. Maulap lamang ang panahon kahapon kaya't pinayagan ng Philippine Coast Guard na maglayag ang sasakyang pangdagat.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>