![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Dating Kalihim Ebdane, kinasuhan
MAY bagong kasong graft si dating Public Works and Highways Secretary Hermogenes Ebdane, Jr. sa paglabag sa batas sa pagbibigay ng pahintulot sa isang kumpanya ng minahan na wala sa kanyang obligasyon Pumabor ang kanilang desisyon sa isang kumpanya ng minahan.
Sa 32 pahinang resolusyong mula sa Environmental Ombudsman Team special panel, sinang-ayunan ni Ombdusman Conchita Carpio Morales na ipagskdal si Romelino Gojo, kasapi ng Provincial Mining Regulatory Board at ang mga opisual ng Geoking Asia Mining na sina Weng Chen, Camilo Esico at tatlong iba pa dahil sa pagnanakaw ng mga yamang lupa sa ilalim ng Section 103 ng Republic Act 7942 na kilala sa pangalang Philippine Mining Act of 1995.
Nag-ugat ang reklamo sa Consolidated Mines, ang may poder sa Coto Chromite mines. Ang CMI ang nagpapatakbo ng minahan sa nakalipas na higit sa 50 taon.
Ginamit umano ni G. Ebdane ang kanyang poder bilang gobernador na maglabas ng small scale mining permit sa Geoking, kaya't nagkapoder na kumuha, maghakot, magkarga at magpadala sa ibang bansa ng chromite fines na nagkakahalaga ng higit sa P 211 milyon mula sa Coto Mines na pag-aari ng CMI.
Ayon sa nagreklamo, noong ika-30 ng Oktubre 2011, puersahang pinasok ni Gojo ang Coto Mines kasama ang mga pulis sa pamumuno ng PNP Provincia Police Director Francisco Santiago, Jr. Ipinakita ni Gojo ang mining permit na nilagdaan ni Ebdane na pumabor sa Geoking.
Binuwag ng mga pulis ang security checkpoints ng CMI at nagtayo ng kanilang outposts patungo sa chromite mines.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |