Barge, sumadsad sa Antique
SUMADSAD ang isang barge sa Antique dahil sa malalaki at malalakas na alon sa karagatan samantalang hindi nakapaglakbay ang ilang mga sasakyang-dagat na dahilan ng pagkakabimbin sa may 1,600 na mga pasahero.
Nahirapan ang mga magliligtas sa pitong mangingisdang sakay ng kanilang bangkang 'di nagtagal ay lumubog sa pagitan ng Bantayan sa Cebu at Gigantes Island sa Iloilo.
Ligtas na nakababa ang dalawang tripulante at 28 manggagawa sa barge na may pangalang Cagayan matapos sumadsad sa baybay-dagat ng Bugasong sa Antique kagabi.
Pag-aari ang sumadsad na barge ng DM Consunji. Kalahating bahagi na nito ang nakalubog. May mga laman itong construction materials mula sa Semirara Island sa Caluya, Antique at naglakbay noon pa mang ika-30 ng Hunyo. Nakapagbaba na sila ng kargamento sa Barangay Sabang. Sinuspinde ang pagbababa ng mga kargamento dahil sa malalaking alon.
1 2 3 4