Resolusyon ng Senado, ipinadala na sa Korte Suprema
IPINADALA na ni Senador Miriam Defensor Santiago kanina sa Korte Suprema ang sipi ng kanilang panukalang resolusyon na nagpaparating ng damdamin ng Senado na ang anumang kasunduan o tratado ay walang saysay kung hindi sasang-ayunan ng Senado.
May 13 mga senador ang lumagda sa resolusyon. Maliban kay Santiago, lumagda sina Senador Sonny Angara, Pia Cayetano, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, TG Guingona, Lito Lapid, Bongbong Marcos, Serge Osmena, Koko Pimentel, Ralph Recto, Bong Revilla at Cynthia Villar.
Napapaloob ang kanilang damdamin sa Senate Resolution No. 1414 na nakalakip sa isang liham na nakapangalan kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Nakatakdang pagdebatehan ang resolusyon sa pagsisimulang-muli ng sesyon ng Senado. Ipinadala ang resolusyon samantalang pinag-uusapan ng Korte Suprema ang katuturan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ayon sa Malacanang, ito ay isang executive agreement kaya't 'di na kailangan ng pag-sangayon ng Senado.
1 2 3 4 5