|
||||||||
|
||
我(wǒ)是(shì)在(zài)网(wǎng)上(shàng)订(dìng)的(de) 中(zhōng)国(guó)杂(zá)技(jì)是(shì)世(shì)界(jiè)一(yī)流(liú)的(de)
20150717Aralin62Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Ang Beijing ay sentro ng kultura ng Tsina. Dito, ginaganap ang maraming kultural na pagtatanghal sa ibat-ibang estilo. Upang tulungan kayong maunawaan ang kulturang ito, pag-aralan natin ang mga kapaki-pakinabang na ekspresyon na may kinalaman sa panonood ng mga pagtatanghal. Sa panahong ito, parami nang paraming residente ng Beijing ang nagpapareserba ng tiket on-line. Ang wikang Tsino para sa "Nagpareserba ako on-line" ay:
我(wǒ)是(shì)在(zài)网(wǎng)上(shàng)订(dìng)的(de).
我(wǒ), ako.
是(shì), salitang nagbibigay-diin.
在(zài), sa.
网(wǎng)上(shàng), online.
订(dìng), magpareserba, magpabuk.
的(de), katagang ginagamit sa hulihan ng pangungusap para ipakita ang katiyakan.
Narito po ang unang usapan:
A: 你(nǐ)是(shì)在(zài)哪儿(nǎer)买(mǎi)的(de)票(piào)?Saan mo binili ang tiket?
B: 我(wǒ)是(shì)在(zài)网上(wǎngshàng)订(dìng)的(de)。你(nǐ)呢(ne)?Nagpareserba ako on-line. Eh, ikaw?
Susunod na pangungusap: Ang akrobatiks ng Tsina ay primera klase.
中(zhōng)国(guó)杂(zá)技(jì)是(shì)世(shì)界(jiè)一(yī)流(liú)的(de).
中(zhōng)国(guó), Tsina.
杂(zá)技(jì), akrobatiks.
是(shì), salitang nagbibigay-diin.
世(shì)界(jiè), mundo.
一(yī)流(liú), mataas na uri.
的(de), katagang ginagamit kasunod ng pang-uri.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 他们(tāmen)演(yǎn)得(dé)很好(hěnhǎo)。Napakagaling ng kanilang pagtatanghal.
B: 中国(zhōngguó)杂技(zájì)是(shì)世界(shìjiè)一流(yìliú)的(de)。Ang akrobatiks ng Tsina ay primera klase.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |