|
||||||||
|
||
你(nǐ)最(zuì)喜欢(xǐhuan)哪(nǎ)部(bù)电影(diànyǐng) 它(tā)的(de)情节(qíngjié)很(hěn)有趣(yǒuqù)
20150703Aralin60Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Alam po ninyo, dito sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino, hindi lang puro aral ang ginagawa natin, kundi nag-eenjoy din tayo habang natututo. Kaya, pagkatapos nating magdisko sa nakaraang leksyon, pupunta naman tayo sa sinehan. Ang unang pangungusap na matututuhan natin ngayon ay: "ano ang paborito mong pelikula?"
你(nǐ)最(zuì)喜(xǐ)欢(huan)哪(nǎ)部(bù)电(diàn)影(yǐng)?
你(nǐ) ikaw, ka.
最(zuì), ginagampanan ng unlaping "pinaka" sa wikang Filipino; 喜(xǐ)欢(huan), gusto; 最(zuì)喜(xǐ)欢(huan), pinakagusto.
哪(nǎ), alin; 部(bù), salitang panukat; 哪(nǎ)部(bù), alin.
电(diàn)影(yǐng), pelikula.
Narito po ang unang usapan:
A: 你(nǐ)最(zuì)喜欢(xǐhuan)哪(nǎ)部(bù)电影(diànyǐng)?Aling pelikula ang pinaka-gusto mo?
B: 我(wǒ)最(zuì)喜欢(xǐhuan)《不见不散》(bújiànbùsàn)。Ang "Be There or Be Square" ang pinakagusto ko.
Baka magtanong ang kaibigan mo bakit mo nagustuhan ang pelikula. Narito ang isang bersyon ng maaari mong isagot: Sobrang kawili-wili ang takbo ng istorya nito.
它(tā)的(de)情(qíng)节(jié)很(hěn)有(yǒu)趣(qù).
它(tā), ito; 的(de), katagang kasunod ng pang-ngalan at nagpapakita na ito ay may pungsyon na panuring. 它(tā)的(de), nito.
情(qíng)节(jié), takbo ng istorya o plot.
很(hěn), sobra, labis o lubha.
有(yǒu)趣(qù), kawili-wili.
YOK: 有(yǒu)趣(qù).
Narito po ang ikalawang usapan:
A: 它(tā)的(de)情节(qíngjié)很(hěn)有趣(yǒuqù)。Sobrang kawili-wili ang takbo ng istorya.
B: 我(wǒ)爱(ài)看(kàn)轻松(qīngsōng)的(de)娱乐片(yúlèpiān)。Ang gusto kong panoorin ay iyong mga pelikulang nakakalibang at hindi iyong mga nakakatakot at nakakaiyak.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |