|
||||||||
|
||
SINABI ni Congressman Lito Atienza ng Buhay Party-List, na walang napala ang mga mamamayan sa limang taong pananatili sa poder ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kaya't walang bagong sasabihin sa kanyang State of the Nation Address sa darating na Lunes, ika-27 sa buwan ng Hulyo.
Kahit umano suportado ng taongbayan si Pangulong Aquino, dalangin pa rin niya na magawa ng pangulo ang kanyang nararapat gawin sa magandang record na naiwan ng kanyang mga magulang.
Ikinalungkot ni Congressman Atienza ang kalagayan ng mass transport system sa bansa at nagdududa siya kung anong mabuting balita ang magmumula sa pangulo sa darating na Lunes. Simpleng bagay lamang ang transportasyon at hindi pa malutas.
Ipinagtatanong din ng mambabatas ang pagsusubasta ng Department of Transportation and Communications ng North-South Rail Project na pinakamalaking public-private partnership na nalathala pa lamang noong Miyerkoles.
Sana raw ay nasimulan na ang proyekto kung ginawa lamang ng pamahalaan ang nararapat gawin limang taon na ang nakalilipas. Wala namang nagawa si G. Aquino sa pagpapaunlad ng ekonomiya sapagkat ang paggasta ng mga mamamayan at ang ipinadadalang salapi ng mga manggagawa sa ibang bansa ang nagpapalutang ng pamilihan at ekonomiya.
Siyam na milyong Filipino ang nasa ibang bansa, binubuhay ang kanilang pamilya sa Pilipinas subalit kahit traffic sa Metro Manila ay 'di maayos, dagdag pa ni Congressman Atienza.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |