Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ituloy ang programang "Daang Matuwid"

(GMT+08:00) 2015-07-10 17:53:39       CRI

INATASAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III si Lt. General Hernando Iriberri na ipagpatuloy ang kanyang sinimulang programang "Daang matuwid."

Sa kanyang talumpati sa change of command ceremonies sa AFP Chief of Straff, sinabi ni Pangulong Aquino na nais niyang mag-iwan ng isng bansang mas ligtas, mas payapa at mas maunlad.

Layunin din niyang magkaroon ng kawal na disiplinado at asintado. Pinuri din niya ang nagretirong AFP Chief of Staff na si General Gregorio Pio Catapang sa kanyang tapat na paglilingkod sa sandatahang lakas at sa pamahalaan.

Binanggit din ni Pangulong Aquino ang kasanayan ni General Catapang sa disaster preparedness at maging sa pagliligtas ng mga kawal sa Golan Heights. Mahalaga rin ang naging papel ni General Catapang sa panahon ng pagluluksa sa pagkasawi ng SAF 44 sa kamay ng mga Moro Islamic Liberation Front. Nadakip din umano ng mga kawal ang mga pinaghahanap na lider ng terrorista sa Mindanao.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na magagamit na rin ang Barko ng Republika ng PIlipinas Tagbanua, ang unang landing craft utiulity na gawa sa Pilipinas at ang mga dagdag na mga kagamitan tulad ng tatlong naval helicopters, 60 field ambulances, troop carrier trucks. Mayroon pa umanong 36 na proyekto na nagkakahalaga ng P 90 bilyon na pambili ng 12 Lead-In Fighter Trainer Aircraft, anim na close air support aircraft, walong combat utility helicopters, 2 C-130 aircraft at dalawang frigates.

Samantala, hinamon ni Pangulong Aquino si Lt. General Iriberri na ipagpatuloy ang magandang nasimulan ni General Catapang at higit na itaas ang kalidad ng serbisyo ng mga kawal. Kailangang matiyak at malinis ang darating na halalan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>