|
||||||||
|
||
ASEAN economic integration, mapakikinabangan ng marami
SA pagpapasigla ng sektor ng pagsasaka, higit na makikinabang ang mga mamamayan ng Association of Southeast Asian Nations na magsisimula ng economic integration.
Mahalaga ang sektor ng pagsasaka sapagkat ang pagpapaunlad ng ani ang siyang titiyak ng seguridad ng rehiyon. Magaganap lamang ito sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya.
Ito ang binanggit nina Tita Kanittanon, marketing executive at Ajjima Roysri, Assistant Project Manager ng Impact Exhibition Center, isang kumpanyang nagtatagyod ng international trade show para sa agricultural suppliers.
Ayon sa dalawang opisyal nadarama na sa ASEAN ang masiglang paglago ng sektor ng pagsasaka at lumalaking bilang ng mga sakahang gumagamit na ng mga makinarya at makabagong agricultural practices na mangangailangan ng ibayong teknolohiya na kanilang maiaalok sa mga dadalo sa kanilang exhibition.
Sa isang panayam kaninang umaga sa Acacia Hotel, Alabang Muntinlupa City, sinabi ng dalawang sa nangangasiwa sa exhibition, gaganapin ito sa Bangkok sa darating na ika-17 hanggang ika-19 ng Setyembre ay katatampukan ng mga kagamitan, makinarya at teknolohiya sa pagtatanim, pag-ani, patubig at pag-iimbak ng inani sa mga bukirin.
Kasama rin sa pagtatanghal ang mga pagpupulong na katatampukan ng mga dalubhasa sa pagsusulong na matatag na pagsasaka.
Kabilang sa mga kumpanyang lalahok sa exhibition ang mga kumpanyang mula sa Tsina, Japan, Estados Unidos at mga bansang nasa Europa. Umaasa ang mga opisyal ng Impact Exhibition Center na higit sa 30 kumpanyang Tsino ang magtatanghal ng kanilang mga makinarya at iba pang produkto sa international pavillion.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |