|
||||||||
|
||
Mga Tsinoy, aktibo sa pagtulong at pagmimisyon
ABALA ang mga opisyal at mga kasapi ng Federation of Filipino – Chinese Women sa buong bansa.
Ito ang sinabi ni Bishop Leopoldo Jaucian, SVD sa isang panayam bago lumisan patungong Tacloban City kaninang umaga.
Ayon kay Bishop Jaucian, dadalaw sila sa Tacloban City upang alamin ang kinahinatnan ng mga pamilyang kanilang natulungan matapos hagupitin ni "Yolanda" noong nakalipas na Nobyembre ng 2013.
Bukas ay magtutungo sila sa Cebu at sa darating na Linggo ay makikipagpulong sa kanilang mga kasapi sa Tagbilaran City sa Bohol.
Ipinaliwanag ni Bishop Jaucian na karamihan ng kanilang mga kasama ay mga mangangalakal at maybahay ng matatagumpay na haligi ng komersyo sa bawat lungsod at lalawigan.
Abala sila sa pakikibahagi ng pananampalataya sa mga kapwa Filipino-Chinese at namamahagi rin ng tulong sa pamamagitan ng kanilang "Sharing God's Love Fund" na siyang pinagkukunan ng salapi para sa mga biktima ng kalamidad at mga taong nangangailangan ng kapital sa kanilang hanapbuhay.
Ayon kay Bishop Jaucian, katatapos pa lamang ng kanilang pagpupulong sa Tuguegarao sa Cagayan samantalang pinahahandaan na ang kanilang taunang pagtitipon na nakatakdang gawin sa Legazpi City.
Tatlong iba't ibang samahan ang kinabibilangan ng mga Filipino-Chinese. Ang mga ito ay ang Federation of Filipino-Chinese Catholic Women, Filipino-Chinese Catholic Youth at ang Filipino Chinese Young Adults.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |