|
||||||||
|
||
150722melo.mp3
|
Ambassador Zhao, nanawagan sa Pilipinas: Halina'ng mag-usap
NANAWAGAN si Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua sa Pilipinas na mag-usap na lamang ang dalawang bansa sa halip na ituloy pa ang usapin sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague samantalang nag-aalok ng payapa at direktang negosasyon.
Ito ang kanyang pahayag sa pagtatapos ng kanyang talumpati sa isang business forum kanina.
Mas makabubuting magkaroon ng bilateral talks sapagkat isinusulong naman ng Tsina ang payapang paglutas sa isyu sa South China Sea kahit pa mayroong pagkakaiba ang paraang nais ng magkabilang panig.
Umaasa umano si Ambassador Zhao na iuurong ng Pilipinas ang usapin at hindi magtatagal ay mauupo ang magkabilang panig sa maayos na pag-uusap. Ang negosasyon ay mangangailangan ng ibayong pasensya at maaaring magtagal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |