Kakandidatong pangulo sa bansa, nadagdagan na naman
BUKOD sa mga pangalang nabanggit tulad nina Bise President Jejomar Binay, Senador Grace Poe, Secretary Manuel Araneta Roxas, Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City at Senador Bongbong Marcos, tila nagbabalak ding tumakbo sa panguluhan si Senador Miriam Defensor Santiago matapos makitang gumaling na siya sa kanyang cancer.
Magugunitang pumangalawa si Senador Santiago noong 1992 kay Pangulong Fidel V. Ramos.
Ginagamot siya ni Dr. Mark Kris, isang oncologist sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa New York na dalubhasa sa lung cancer. Nakausap na ni Dr. Kris sina Dr. Esperanza Cabral na isang dalubhasa sa puso, Dr. Gary Lorenzo, isang oncologist at Dr. Ruth Divinagracia na isang pulmonologist. Naganap ang konsultasyon noong ika-17 ng Hulyo.
Sinabi ni Dr. Kris na kahit walang pasyenteng maituturing na gumaling sa karamdamang cancer, napigil ang paglala ng karamdaman ni Senador Santiago sa kanyang pagsunod sa mga reseta ng mga manggagamot. Napigil ang paglaki ng cancer sa kanyang kaliwang baga, dagdag pa ng manggagamot.
1 2 3 4