Pangulo ng Asian Development Bank, bumati sa NDB
KABILANG sa mga bumati sa paglulunsad ng New Development Bank si Pangulong Takehiko Nakao ng Asian Development Bank. Sa kanyang mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag sa Maynila, sinabi ni Pangulong Nakao sa bumabati siya at ang kanyang mga kasamahan kay Pangulong K. V. Kamath, sa mga bumubuo ng management team at sa mga kawani.
Umaasa ang Asian Development Bank na makakasama ng bagong kabilang sa pandaigdigang komunidad ng multilateral banks sa paglilingkod sa Asia at Pacific region, kabilang na rin ang pakikipagtulungan sa pagtustos sa mga pagawaing-bayan at pagsusulong ng matatag na kaunlaran at paggamit ng mahabang karanasan at pagkadalubhasa sa rehiyon.
Ang New Development Bank ay binubuo ng mga bansang Brazil, Russia, India, China at South Africa at mayroong punong tanggapan sa Lungsod ng Shanghai.
1 2 3 4