|
||||||||
|
||
我(wǒ)经(jīng)常(cháng)去(qù)健(jiàn)身(shēn)房(fáng) 贵(guì)在(zài)坚(jiān)持(chí)
20150828Aralin68Day2.m4a
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungus
Ang workout sa gym ay gusto ng marami bilang regular na paraan ng pagpapalakas ng katawan. Ang "Madalas akong magpunta sa gym" sa wikang Tsino ay:
我(wǒ)经(jīng)常(cháng)去(qù)健(jiàn)身(shēn)房(fáng).
我(wǒ), ako.
经(jīng)常(cháng), madalas.
去(qù), magpunta.
健(jiàn)身(shēn), pagpapalakas ng katawan; 房(fáng), bahay, silid, kuwarto; 健(jiàn)身(shēn)房(fáng), gym.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 我(wǒ)经常(jīngcháng)去(qù)健身房(jiànshēnfáng)。你(nǐ)呢(ne)?Madalas akong magpunta sa gym. Ikaw?
B: 我(wǒ)也(yě)是(shì)。我(wǒ)喜欢(xǐhuan)做(zuò)有(yǒu)氧(yǎng)运动(yùndòng)。Ako rin. Mahilig kasi akong mag-aerobics.
Ang pagpupursegi ay mahalaga sa pagpapalakas ng katawan at pagpapanatiling malusog. Ang"Mahalagang ipagpatuloy ito" sa wikang Tsino ay:
贵(guì)在(zài)坚(jiān)持(chí).
贵(guì), mahalaga.
在(zài), sa.
坚(jiān)持(chí), ipagpatuloy.
Narito po ang ikaapat na usapan:
A: 跑步(pǎobù)的(de)好处(hǎochu)可(kě)多(duō)了(le)。Maraming bentahe ang pagtakbo.
B: 贵(guì)在(zài)坚持(jiānchí)。Mahalagang ipagpatuloy ito.
Mga Tip ng Kulturang Tsino
Ang pag-akyat ng bundok ay hindi lang mabuti sa kalusugan, kundi isa ring kasiyahan na nakakapagbigay-sigla sa isip ng isang tao. Ito ay isang magandang ehersisyo na kinahihiligan ng marami sa Tsina. Ang mga barkadahan o magkakatrabaho ay karaniwan nang nagkakayayaang umakyat ng bundok kung Sabado't Linggo o pista opisyal. Bukod sa ehersisyo at pagliliwaliw, ang mga tao ay maaari ring maging magkakaibigan habang magkakasamang pumapanhik ng bundok. Ang ika-9 ng Setyembre sa Lunar Calendar na Tsino ay selebrasyong tradisyonal ng 重(chóng)阳(yáng), araw na kung kailan umaakyat ng bundok ang mga tao upang makita nila ang kalayuan at magagandang tanawin. Iyon din ang dahilan kung bakit tinawag itong pestibal ng "登(dēng)高(gāo)" o pestibal ng pagpanhik sa itaas.
At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |