Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Animnapu't Lima: Pag-e-ehersisyo Tuwing Umaga

(GMT+08:00) 2015-08-06 13:43:43       CRI

该(gāi)起(qǐ)床(chuáng)了(le) 早(zǎo)上(shang)的(de)空(kōng)气(qì)真(zhēn)好(hǎo)


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.

Madalas nating sabihin na ang pagtulog at paggising nang maaga ay nakakapagpalusog at nakakapagpatalino sa isang tao. Kaya, ang bagong leksyon natin ay may kinalaman sa pag-e-ehersisyo sa umaga. Sa wikang Filipino, kung gusto nating gisingin ang ibang tao, sinasabi nating: Gising na!

Sa wikang Tsino, ito ay:

该(gāi)起(qǐ)床(chuáng)了(le)!

该(gāi), dapat.

起(qǐ), bumangon; 床(chuáng), kama; 起(qǐ)床(chuáng), bumangon.

了(le), katagang panghimok.

Narito po ang unang usapan:

A: 该(gāi)起床(qǐchuáng)了(le)。别(bié)睡(shuì)了(le)!Bangon na! Gising na!

B: 我(wǒ)还(hái)困(kùn)着呢(zhene)。Inaantok pa ako.

Pangalawang pangungusap: Ang sarap talaga ng hangin sa umaga.

早(zǎo)上(shang)的(de)空(kōng)气(qì)真(zhēn)好(hǎo)!

早(zǎo)上(shang), umaga.

的(de), katagang kasunod ng pangngalan at nagpapakita ng uri ng mga bagay.

空(kōng)气(qì), hangin.

真(zhēn), talaga

好(hǎo), masarap.

Narito po ang ikalawang usapan:

A: 早上(zǎoshang)的(de)空气(kōngqì)真(zhēn)好(hǎo)!Ang sarap talaga ng hangin sa umaga.

B: 现在(xiànzài)北京(běijīng)的(de)空气(kōngqì)越来越(yuèláiyuè)好(hǎo)了(le)。Bumubuti ang kalidad ng hangin sa Beijing.


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>