|
||||||||
|
||
这(zhè)儿(er)可(kě)以(yǐ)拍(pāi)照(zhào)吗(ma) 请(qǐng)不(bú)要(yào)使(shǐ)用(yòng)闪(shǎn)光(guāng)灯(dēng)
20150803Aralin64Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Maraming museo sa Beijing, at ang mga ito ay bukas sa publiko nang walang bayad. Kaya, ang pag-aaralan natin ngayong araw ay ang mga pangungusap na madalas na gamitin sa pagbisita sa museo. Ang una, "maari ba akong kumuha ng litrato rito?"
这(zhè)儿(er)可(kě)以(yǐ)拍(pāi)照(zhào)吗(ma)?
这(zhè)儿(er), dito.
可(kě)以(yǐ), maaari o puwede.
拍(pāi)照(zhào), kumuha ng larawan.
吗(ma), katagang pananong na nasa hulihan ng pangungusap.
Narito po ang isang bersyon ng sagot sa "maaari ba akong kumuha ng litrato rito"-- Wala lang pong flashbulb.
请(qǐng)不(bú)要(yào)使(shǐ)用(yòng)闪(shǎn)光(guāng)灯(dēng).
请(qǐng), pakiusap lang po.
不(bú)要(yào), huwag.
使(shǐ)用(yòng), gumamit.
闪(shǎn)光(guāng)灯(dēng), flash o flashbulb.
Narito po ang unang usapan:
A: 这儿(zhèer)可以(kěyǐ)拍照(pāizhào)吗(ma)?Maaari ba akong kumuha ng litrato rito?
B: 可以(kěyǐ),但是(dànshì)请(qǐng)不要(búyào)使用(shǐyòng)闪光灯(shǎnguāngdēng)。Pwede po, pero huwag lang po kayong gagamit ng flashbulb.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |