|
||||||||
|
||
你(nǐ)喜(xǐ)欢(huan)什(shén)么(me)运(yùn)动(dòng) 你(nǐ)会(huì)游(yóu)泳(yǒng)吗(ma)
20150812Aralin66Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa leksyong ito, patuloy nating pag-aaralan ang mas maraming ekspresyon hinggil sa isports.
Unang pangungusap: "Ano ang gusto mong isport?"
你(nǐ)喜(xǐ)欢(huan)什(shén)么(me)运(yùn)动(dòng)?
你(nǐ), ikaw o mo.
喜(xǐ)欢(huan), gusto.
什(shén)么(me), ano.
Narito po ang unang usapan:
A: 你(nǐ)喜欢(xǐhuan)什么(shénme)运动(yùndòng)?Ano ang paborito mong isport?
B: 我(wǒ)喜欢(xǐhuan)踢(tī)足球(zúqiú)。你(nǐ)呢(ne)?Ang gusto ko ay paglalaro ng football. Ikaw, ano ang gusto mo?
B: 我(wǒ)喜(xǐ)欢(huan)游(yóu)泳(yǒng)。Paglangoy naman ang sa akin.
Susunod: Marunong ka bang lumangoy?
你(nǐ)会(huì)游(yóu)泳(yǒng)吗(ma)?
你(nǐ), ikaw o ka.
会(huì), marunong, maaari o kaya. Sa wikang Tsino, ang会(huì) ay maaaring sundan ng isang pandiwa: ito'y nagpapakita ng animo'y kakayahan ng paggawa ng isang bagay.
游(yóu)泳(yǒng), lumangoy.
吗(ma), katagang pananong
Narito po ang ikalawang usapan:
A: 你(nǐ)会(huì)游泳(yóuyǒng)吗(ma)?Marunong kang lumangoy?
B: 我(wǒ)会(huì)游泳(yóuyǒng)。Oo, marunong akong lumangoy.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |