|
||||||||
|
||
Pitong mamamahayag na Filipino, lalahok sa pagsasanay sa Turin, Italya
DUMATING sa Turin, Italya ang pitong mamamahayag mula sa Pilipinas matapos ang halos 24 na oras na paglalakbay upang dumalo sa tatlong araw na pagsasanay na itinataguyod ng International Labor Organization sa International Training Center ng International Labour Organization hinggil sa Freedom of Association at Collective Bargaining Agreement.
Kabilang sa delegasyon sina Jamela Aisha Alindogan ng Al Jazeera Media Network, Maria Cecilla Lardizabal ng CNN Philippines, JacquelynManabat ng ABS-CBN Channel 2, Ariel Sebellino ng Philippine Press Institute, Buena Bernal isang freelance reporter at Melo Acuna ng CBCP Media Office/China Radio International.
Lumisan ang mga delegado sa Maynila noong hatinggabi ng Linggo at lumapag sa Hamad International Airport sa Doha, Qatar mga ika-siyam ng umaga oras sa Pilipinas at lumisan patungong Milan mga ika-12 at kalahati ng tanghali.
Samantalang nasa himpapawid, nanawagan ang kapitan ng Qatar Airways kung mayroong manggagamot na sakay ng eroplano sapagkat isang pasahero ang tumaas ang presyon. Isang manggagamot ang dumalo subalit nagdesisyon ang kapitan ng eroplano matapos ang pagtingin ng duktor sa pasyante na ilapag ang sinasakyang Airbus 330 sa Istanbul, Turkey upang maibaba at magamot ang pasyente sa pinakamadaling panahon.
Matapos ang halos dalawang oras sa paliparang pandaigdig ng Istanbul, lumipad mula ang eroplano patungong Milan at lumapag ang eroplano mga ikasampu ng gabi oras sa Pilipinas.
Naglakbay pa ng isang oras at kalahati patungong Turin ang delegasyon. Ganap na ikawalo ng umaga, oras sa Turin, Italya, sisimulan ang pagpupulong at pagsasanay na dadaluhan din ng mga piling mamamahayag mula sa Vietnam, Bangladesh at Sri Lanka.
Magtatagal ang pagpupulong hanggang sa Huwebes ng hapon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |