|
||||||||
|
||
Labing-dalawang transition sites para sa may 17,000 mga biktima ng kaguluhan sa Zamboanga, hirap pa rin
INTERNATIONAL RED CROSS/RED CRESCENT TULOY SA PAGTULONG. Makikita ang itinayong imbakan ng tubig sa mga resettlement sites ng mga biktima ng kaguluhan sa Zamboanga City may 26 na buwan na ang nakalilipas. (ICRC Photo)
SEAWEED PRODUCTION, TULONG NG ICRC. Upping may pagkakitaan ang mga biktima ng kaguluhan sa Zamboanga noong Setyembre 2013, raglaan ng salami ang ICRC pang matustusan ang seaweed farming project. (ICRC Photo)
MATAPOS ang higit sa dalawang taon ng madugo at mapaminsalang sagupaan sa pag-itan ng Moro National Liberation Front at mga pulis at kawal ng pamahalaan, hirap pa rin ang mga mamamayang napagitna sa kaguluhan.
Ayon sa International Committee of the Red Cross/Red Crescent Societies, samantalang mas mabuti na ang kalagayan ng mga biktima sa transition sites kaysa evacuation centers, problema pa rin ang malinis na tubig, kalinisan at kabuhayan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Marchel Goyeneche ng ICRC-Zamboanga na libu-libo ang nawalan ng tahanan at hanapbuhay at sa lawak ng pinsala, ilang ulit na nagkaroon ng extension ang kanilang operasyon sa nakalipas sa 26 na buwan.
Trak-trak na malinis na tubig ang kanilang naihatid sa apat na transition sites sa bawat araw at sumusuporta pa rin sa pagtatayo ng imbakan ng malinis na tubig sa pamamagitan ng anim na tangkeng naglalaman ng 10,000 litro bawat isa. Mayroon ding dagdag na imbakan ng tubig sa isang pang barangay.
Nagtayo rin sila ng 102 palikuran sa mga naunang evacuation cneters. Nagbigay din sila ng 1,500 hygiene kits sa mga kabataan sa daycare centers.
Bukod sa cash-for-work projects, naglunsad rin sila ng mga proyekto sa mga komunidad. Nakinabang din ang isang kooperatiba mula sa kapital na ibinigay sa pagtatanim at pag-aalaga ng damong-dagat (seaweeds). Nagkaroon ng hanapbuhay ang may 120 seaweed farmers.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |