|
||||||||
|
||
Marine Corporal Pemperton, nagkasala ng pagpatay
HINATULAN ng Olongapo City Regional Trial Court si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nagkasala ng homicide sa pagpatay kay Jeffrey "Jennifer" Laude noong nakalipas na taon.
Nahatulan si Pemberton na mabilanggo ng anim hanggang labing dalawang taon.
Sinabi ng hukuman na hindi napatunayan ng paglilitis na mayroong aggravating circumstances ng treachery at abuse of superior strength upang makasuhan ng murder.
Noong Agosto, inamin ni Pemberton na sinakal niya si Laude hanggang nsa nawalan ng malay matapos niyang madiskubreng kapwa niya lalaki ang kanyang kasama.
Samantala, kahit pa hiniling ng Embahada ng Estados Unidos na ibigay na ang custody sa kanila, mananatili si Pemberton sa Campo Aquinaldo at babantayan ng Philippine National Police hanggang sa tanggapin siya ng Bureau of Corrections personnel.
Malamang na manatili si Pemberton sa kanyang piitan sa loob ng Campo Aguinaldo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |