Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Grace Poe, hindi kwalipikadong tumakbo sa panguluhan

(GMT+08:00) 2015-12-01 16:17:58       CRI

Pagkakaisa, kailangan upang mapigil ang climate change

NANAWAGAN si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kahapon na magkaisa ang lahat upang mapigilan ang climate change sa pamamagitan ng pangangakong pagbabawas ng green house gas emissions at magkaroon ng mas matatatag na komunidad.

Sa kanyang talumpati sa Climate Vulnerable Forum High-Level Event, sinabi ni Pangulong Aquino na ang mga debate sa kung sinong bansa ang nararapat kumilos ay nararapat mabago at matuon kung ano ang magiging kontribusyon ng bawat bansa upang gumanda ang situwasyon.

Dumalo si Pangulong Aquino sa 21st Session ng Conference of Parties o COP21 sa UN Framework Convention on Climate Change sa Paris, Francia. Ani Pangulong Aquino, mahalagang gawin ng lahat ng bansa ang magagawa at mapalawak ang mga paraan upang matugunan ang climate change. Kailangang magtangka at magsakripisyo at kung hindi ay matatalo ang lahat sa pinsala at halaga ng pagbahgong-muli.

Ang mga bansang tulad ng Pilipinas ang siyang nagpapasan ng pinsala sa pagbabago ng panahon.

Sinabi pa ng pangulo na noong humagupit si Pablo noong 2012, naghanap ng ibang pagkakakitaan ang pamahalaan para sa mga magsasaka ng niyog na lubhang napinsala.

Ginagawa ng Pilipinas ang lahat sa pagkakaroon ng pagtatanim ng mga puno at mahigpit na napigilan ang illegal logging at mga makapipinsalang gawain. May renewable energy programs na rin ang pamahalaan tulad ng solar, wind, biomass, hydro at geothermal power, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>