Magiging pangulo ng bansa dapat "world-class"
KUNG si dating Pangulong Fidel V. Ramos ang masusunod, nararapat maging "world-class" ang susunod na pangulo ng bansa. Ipinaliwanag pa niyang ang magiging pangulo ay (nararapat) makakatapat sa pangangailangan ng bansa at ng international community.
Kailangang pang-panguluhan ang kilos ng sinumang naghahangad ng posisyon. Kailangang mangyari ito sapagkat ihahambing ang papalit na pangulo sa mga naging pangulo.
Wala na umano ang bansa sa panahon nina Antonio Luna at Andres Bonifacio na magkakasamang nagpatayan. Kailangang mabuklod ang bansa upang i-angat ang bansa sa kinasasadlakan nito.
Sa isang public forum, sinabi ni dating Pangulong Ramos na maraming mabibigat na problema ang bansa tulad ng kahirapang 'di malulutas ng pananampal. Ang kailangan ay magkaisa ang mga mamamayan sapagkat hindi magiging kaaya-aya ang imahen ng bansa sa pandaigdigang larangan.
1 2 3 4