|
||||||||
|
||
Simbang-Gabi, nagsimula na
SA gitna ng manaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit pook, nagsimula na rin ang tradisyunal na Simbang-Gabi kaninang madaling araw. Ito ang isang tradisyon sa Pilipinas bilang paghahanda para sa Kapaskuhan.
Karaniwang dagsa ang mga tao sa una at huling araw ng Simbang Gabi. Nagsisimula ang misa sa ganap na ika-apat kungdi man ay sa ganap na ika-apat at kalahati ng umaga.
Noong ideklara ang Batas Militar ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong dekada sitenta, nagdeklara ng curfew mula ika-12 ng hatinggabi hanggang ika-apat ng umaga.
Sa pangyayaring ito, nagsimula ang pagdiriwang ng Misa sa ganap na ika-wala ng gabi upang makauwi ng maaga ang mga dumadalo sa pagdiriwang. Subalit mula noon ay nakagawian na rin ang pagpapanatili ng anticipated Mass.
Kahit na ang "midnight mass" sa Kapaskuhan at Bagong Taon sa ganap na ika-siyam ng gabi upang makauwi at magkasama-sama ang pamilya sa pagkain pagsapit ng hatinggabi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |