|
||||||||
|
||
Bangsamoro Basic Law, na sa bingid ng alanganin
WALANG katiyakan kung maipapasa pa ang panukalang Bangsamoro Basic Law na nakabimbin pa sa Senado at sa Mababang Kapulungan.
Ito ang sinabi ni Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo, OMI, sa isang panayam.
Ang batid umano niya ay ginagawa ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang lahat upang makapasa ang panukalang batas bago man lamang siya magtapos sa kanyang panunungkulan.
Kailangang maipasa ito sa orihinal na anyo sapagkat ang pagpapalabnaw ng mga probisyon nito ang magiging dahilan upang tanggihan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kasunduan.
Idinagdag pa ni Cardinal Quevedo na ngayo'y 76 na taong gulang na, na sa oras na tanggihan ng MILF ang malabnaw na anyo ng panukalang batas, mawawalang saysay ang lahat na probisyon sa normalization tulad ng pagsasalong ng sandata at pagtatapos ng inaasahang decommissioning ng mga mandirigma ng MILF.
Nangangamba si Cardinal Quevedo na nakatakdang masimulan ang decommissioning ng 30% ng mga mandirigma ng MILF at pagsasalong ng mga sandata sa oras na makapasa ang panukalang-batas sa magkabilang kapulungan.
Magaganap din ang decommissioning ng may 30% pa ng mga mandirigma at pagsasalong ng mga sandata sa oras na makapasa na sa plebesito o referendum ang panukalang batas.
Magaganap ang buong pagsasalong ng sandata at decommissioning ng 40% ng mga mandirigma sa oras na mabuo na ang MILF police.
Sa mga panukalang batas nina Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at Congressman Rufus Rodriguez, nangangamba ang mga MILF na mababawasan ang kanilang poder kaysa sa kasalukuyang Autonomous Region is Muslim Mindanao at mababawasan ang kanilang mga prebilihiyo at maihahambing na lamang sa alinmang local government unit.
Sa pagkakataong ito, hindi matatanggap ng MILF ang bersyong malayo sa buod at layunin ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na nilagdaan n oong Oktubre 2012.
Magugunitang isang masugid na nagsusulong ng inter-religious dialogue at naglingkod din siya bilang secretary-general ng Federation of Asian Bishops Conferences na may tanggapan sa Bangkok si Cardinal Quevedo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |