|
||||||||
|
||
Pacquiao, mas makabubuting huwag ng sumabak sa boxing
PINAYUHAN ni Congressman Walden Bello si Manny Pacquiao na huwag na munang sumabak sa boxing sa darating na ika-siyam ng Abril kay Timothy Bradley sapagkat malaki ang posibilidad na matanggal siya sa talaan ng mga kandidato.
Binalaan ni G. Bello si G. Pacquiao na huwag na munang ituloy ang laban up[ang hindi lumabag sa mga batas hinggil sa halalan.
Magaling na boksingero si Manny, dagdag ni Bello na umaming isang masugid na tagahanga subalit sa kanyang pagkandidato sa pagka-senador, nararapat lamang siyang sumunod sa alituntunin ng batas. Ang election laws ay para sa lahat, dagdag pa ni G. Bello.
Ang kampeonato ni G. Pacquiao ay mangangahulugan ng maraming oras na coverage bago pa man sumapit ang laban, sa gabi ng sagupaan at matapos ang labanan na magbibigay kay Pacquiao ng malaking agwat kaysa ibang mga kandidato sa pagka-senador.
Makakapamili si G. Pacquiao kung gusto niyang isulong ang kampeonato at umatras sa pagkandidato. Pinalawak umano ng Comelec ang kanilang pakahulugan sa political advertisements sapagkat sa broadcast media, ang political advertisements ay maaring spots, pagharap sa mga palabas sa telebisyon at maging sa mga programa sa radyo, live o taped announcements, teasers, at iba pang uri ng advertising messages o announcemenbts na ginaganut bg commercial advertisers.
Kung itutuloy umano ni G. Pacquiao ang laban, si G. Bello mismo ang hihiling na madiskwalipika ang tanyag na boksingero.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |