|
||||||||
|
||
Paglabag sa Karapatang Pangtao, hindi nagbago
NAGPAPATULOY ang mga pamamaslang sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Nagtamo ng pinakamatinding pamamaslang ang mga katutubo.
Ito ang sinabi ni Cristina Palabay, secretary-general ng Karapatan sa isang public forum ni Wilson Lee Flores.
Ipinaliwanag ni Bb. Palabay na higit sa 300 kaso ng extrajudicial killings sa bansa, 80 ang kinasangkutan ng mga katutubo o mga nagmula sa mga tribo.
Sa 80 indigenous victims, may 67 ang mula sa mga tribo sa Mindanao. Talagang pinagbalakan ang pagpaslang na ito, ani Bb. Palabay.
May mga Lumad sa Mindanao na ginipit, pinaslang at pinalikas mula sa kanilang mga tinitirhan na kagagawan ng paramilitary groups at mga kawal ng pamahalaan.
Noong Setyembre 2015, mga armadong kalalakihan muma sa Magahat-Bagani group ang dumating sa Diatagon village sa Lianga at pinaslang ang mga lider ng mga Lumad at director ng Alternative Learning Center for Agricultural Livelihood and Development.
Sa mga pangyayaring ito, libu-libong mga katutubo ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan at nanirahan sa mga kabayanan.
Ikunalungkot ni Bb. Palabay na walang nadarakip at papanagot sa mga usapin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |