|
||||||||
|
||
Mga dalubhasa sa Information Technology, higit na nakikinabang
LUMABAS sa pinakahuling pagsusuri ng Jobstreet.com sa kanilang National Salary Report na ang mga dalubhasa sa larangan ng information technology ang pinakamataas ang kinikita sa Pilipinas.
Ayon kay Jobstreet.com Philippines country manager Philip Gioca na ang IT industry ang may iniaalok na pinakamataas na sahod sa nakalipas na tatlong taon na nagpapakita lamang na tuloy ang pangangailangan para sa mga manggagawang dalubhasa sa information technology.
Sa junior executives, ang karaniwang buwanang sahod ay mula sa P38,149 samantalang ang supervisors ay mula sa P63,485 at may P86,550 para sa managers at assistant managers.
Sa isang briefing, sinabi ni Gioca na ang junior executives na may isa hanggang apat na taong karanasan, ang pangalawang pinakamataas na trabaho ay may kinalaman sa batas at legal services. Kasunod ito ng actuarial at statistics, customer services at training and development.
Kasama sa pinakamataas na sahod ay ang public relations and communications, banking/financial services, arts/creative, finance-related, marketing at business development.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |