|
||||||||
|
||
Pahayag umano ng Islamic State, pinabulaanan
PAHAYAG NG IS, WALANG KATOTOHANAN. Pinabulaanan ni Brig. General Restituto Padilla, Jr. ang sinasabing pahayag ng Islamic State na sila ang may kagagawan ng pagpaslang sa mga kawal ng Pilipinas sa Tipo-tipo, Bailan noong Sabado. Wala umanong koneksyon ang mga Abu Sayyaf sa IS. (File Photo/Melo M. Acuna)
WALANG katotohanan ang lumabas na balitang kagagawan ng Islamic State ang pagkasawi ng mga kawal sa Tipo-tipo, Basilan noong Sabado.
Unang lumabas ang impormasyong nagpahayag ang Islamic State na maraming kawal ang napaslang sa serye ng mga pananambang. Walang koneksyon ang mga Abu Sayyaf sa Islamic State.
Nabalitang may 46 katao ang nasawi sa mga sagupaang nagpapatuloy pa sa ika-anim na araw ngayon.
Ibinalita ng SiTE Intelligence na nagbabantay sa mga pahayag ng mga jihadi organization na nakapaslang umano ang Abu Sayyaf ng may 100 kawal at nagpasabog ng pitong truck na kaniang sinasakyan.
Propaganda lamang ito. Ito naman ang sinabi ni Brig. General Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines. Ipinaliwanag pa ni General Padilla na nasawi ang 18 kawal subalit nakapaslang sila ng 28 Abu Sayyaf members mula noong Sabado.
Bagama't maliit na grupo ang Abu Sayyaf, kilala sila sa pangingikil, kidnapping, pamumugot ng ulo, at naglagay ng video na nagsasabing pumapanig na sila sa Islamic State.
Wala pa ring natatagpuang ebidensyang magpapatunay na may kasunduan at koneksyon na ang mga Abu Sayyaf sa Islamic State.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |